MENU

CoronaVirus-WebsiteEn bnr

 

 

 

Missing

 

PR-040-2016

 

ABISO
"No Online Appointment, No OEC Issuance"
Mahigpit na Ipatutupad Simula Abril 2016

 

(Riyadh, 20 March 2016) - Ipinapaalam ng Embahada ng Pilipinas at ng Philippine Overseas Labor Office sa Riyadh (POLO-Riyadh) na mahigpit na ipatutupad ang No Online Appointment, No OEC Issuance” simula sa ika-15 ng Abril 2016.

Upang maiwasan ang aberya sa pag-rehistro sa Online Appointment, maaring gawin ang mga sumusunod:

  1. Bago umuwi ng Pilipinas, mag-log-on sa BMONLINE.PH at mag-rehistro sa OEC appointment system para sa POLO-Riyadh. Ilagay ang kailangang impormasyon na hinihingi sa website.

  2. Sa pamamagitan ng BM Online Appointment System, maaaring kumuha ng OEC sa mga sumusunod na tanggapan:

    1. Philippine Overseas Labor Office (POLO);
    2. POEA Main Office EDSA corner Ortigas Avenue, Mandaluyong City; at
    3. POEA Sattelite Office / Regional Office sa Pilipinas.

  3. BM Online Appointment sa POLO-Riyadh:

    1. Para sa mga "nag-transfer ng isponsor" na Domestic Workers (Household Service Worker, Family Driver, Gardener, House Security Staff, at iba pa), mag-submite ng:

      • Kopya ng Exit at Re-entry Visa; at
      • Pinagsama sa isang papel (bond paper) na:

        • Photocopy ng sariling Iqama;
        • Photocopy ng National ID ng sponsor/employer;
        • Pangalan at pirma, mobile number at email address ng sponsor/employer; at,
        • Address ng bahay na pinagtatrabahuhan.

    2. Para sa mga "nag-transfer ng isponsor" na Semi-Skilled Workers (Beautician, Mananahi, Salon Worker, at iba pa), mag-submite ng mga sumusunod:

      • Bagong employment contract na verified ng POLO
      • Kopya ng Exit at Re-entry Visa;
      • Pinagsama sa isang papel (bond paper) na:

        • Photocopy ng sariling Iqama;
        • Photocopy ng National ID ng sponsor/employer;
        • Pangalan at pirma, mobile number at email address ng sponsor/employer; at,
        • Address ng bahay na pinagtatrabahuhan.

    3. Ang mga "nag-transfer ng isponsor" na Skilled Workers at Professionals ay dapat mag-submite ng Certificate of Employment, o Kontrata, o photocopy ng Employment ID.

Ipinapaalam din ng Embahada at ng Philippine Overseas Labor Office sa Riyadh (POLO-Riyadh) na ang huling araw ng pag-isyu ng Overseas Employment Certificate (OEC) sa POLO-Riyadh para sa mga WALK-IN APPLICANTS ay sa ika- 14 ng Abril 2016 lamang. Hindi na tatanggap and POLO-Riyadh ng walk-in OEC applicants matapos ang petsang ito.

(WAKAS)