MENU

CoronaVirus-WebsiteEn bnr

 

 

 

Embassy Advisories

 

ABISO TUNGKOL SA FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA OFWS SA MGA
KOMPANYANG TINUKOY SA OWWA MOI NO. 008, S. 2016
NA MAY PETSANG 25 JULY 2016


  1. Ayon sa OWWA MOI No. 008, ang makakatanggap ng financial assistance ay mga OFWs na stranded sa Saudi Arabia mula sa Saudi Bin Laden Group,   Saudi Oger, Mohammad Al Mojil Group, Mohammad Hameed Al Barghash & Bros. Trading & Construction Co. , ALUMCO L.L.L.C, Rajeh H. Al Merri Contracting and Trading Company, Fawzi Salah- Al Nairani Contracting Company, Arabtec Construction L.L.C, and Real Estate Development and Investment Company.

  2. Ang Application Form sa Financial Assistance ay manggagaling lamang sa POLO. Ang Forms ay may selyo ng POLO at/o palatandaang-lagda ng isang OWWA Officer. Hindi tatangapin ang ibang uri ng forms na may ibang pinanggalingan.

  3. Mga itinalagang kawani lamang ng POLO (Riyadh, Jeddah o Al Khobar) ang pinahihintulutan na maglista ng pangalan at magbigay ng Application Forms para sa financial assistance.

  4. Ang Application Forms ay dadalhin ng POLO-OWWA Officers sa mga kampo ng nabanggit na kompanya. Sila din ang kukuha ng Application Forms mula sa kampo. May gagawing validation procedure ang POLO. Sa kampo rin ire-release ng POLO-OWWA Officers ang financial assistance. Ang mga Coordinators sa bawat kampo na regular nang nakikipag-ugnayan sa POLO ang sasabihan ng schedule para sa releases.

  5. Ang mga live-out na kawani ng mga nasabing kompanya ay pinapayuhan na hintayin ang anunsyo ng mga piniling Coordinators sa bawat site tungkol sa schedules ng POLO para sa kanila. Kung Coordinators ang magdadala ng application at anumang kailangang dokumento sa POLO, sasagutin ng POLO ang kanilang gastos sa transportasyon.

  6. Kailangang ipakita ang Company ID, at isumite ang kopya ng iqama kahit expired na, o kopya ng passport bago makatanggap ng financial assistance.

  7. Hindi papayagan ang Proxy o Representative na siyang mag-apply o tumanggap ng financial assistance.

  8. Ang pondong gagamitin ay galing sa OWWA Funds. Welfare Officers ng OWWA ang accountable officers para dito. Hinihingi ang pang-unawa ng lahat sa kinakailangang pagtupad sa mga regulasyon ng Commission on Audit.

Salamat Po!