MENU

 

COVID 19 GUIDELINES

 

 

 

 

 

Press Release
PR-042-2016
27 March 2016

 

MAHALAGANG ABISO

Missing

Impormasyon Para sa Nalalapit na
Halalan 2016

 

(Riyadh, 27 Marso 2016) - Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang mga sumusunod na mahahalagang impormasyong kaugnay na nalalapit na Halalan 2016:

 

MGA MAARING BUMOTO

:

Lahat ng Rehistradong Overseas Voter na nasasakop sa hurisdiksyon ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia na ang mga pangalan ay kasama sa Certified List of Overseas Voters (CLOV) – Riyadh PE mula sa COMELEC.

ARAW NG HALALAN

:

Mula ika-09 Abril 2016 hanggang 09 Mayo 2016

ORAS NG HALALAN

:

8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon (oras sa Riyadh) araw-araw mula Lunes hanggang Linggo

Sa ika-9 ng Mayo 2016, ang oras ng halalan ay mula 8:00 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali lamang (oras sa Riyadh)

LUGAR NG HALALAN

:

Embahada ng Pilipinas sa Riyadh
D3 Collector Road (near 3rd roundabout)
Diplomatic Quarter, Riyadh
Kingdom of Saudi Arabia

MAGLALABAS ANG EMBAHADA NG HIWALAY NA ABISO PARA SA LUGAR NG BOTOHAN SA AL-KHOBAR

PARAAN NG PAGBOTO

:

Personal Voting - Automated Voting System

POSISYON NA IBOBOTO

:

Isang (1) Presidente
Isang (1) Bise-Presidente
Labing-dalawang (12) Senador
Isang (1) Party-List Representative

DOKUMENTONG MAARING DALHIN SA ARAW NG BOTOHAN

:

Origihal na Philippine Passport
Iqama
Voter’s ID
Seaman’s Book (para sa mga seafarer)

 

Kung nais ninyong malaman kung kayo ay rehistrado sa Riyadh, maaring tingnan ang inyong pangalan sa CLOV sa link na ito:

Para sa mga nasa Riyadh:

http://www.riyadhpe.dfa.gov.ph/index.php/component/content/article/114-overseas-voting/2325

Para sa mga nasa Al – Khobar:

http://www.riyadhpe.dfa.gov.ph/index.php/component/content/article/114-overseas-voting/2326

Para sa mga karagdagang katanungan o impormasyon tungkol sa darating na Halalan, maaring tingnan ang website ng Embahada sa www.riyadhpe.dfa.gov.ph o magpadala ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . (WAKAS)