MENU

 

COVID 19 GUIDELINES

 

Embassy-Advisories

Advisory
PR-044-2015
4 April 2015

 

Abiso para sa mga Pilipino sa Yemen

 

Panawagan para sa Maaaring Huling Paglikas

Mula sa Yemen

 

(Riyadh, ika-4 ng Abril 2015) – Ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ay muling nananawagan sa lahat ng Pilipino na nananatili pa sa Yemen na umalis na ng bansa.

          Dahil sa tuluyang paglala ng sitwasyon sa Yemen, ang huling land evacuation na isasagawa ng CMT-Sana’a sa ilalim ng Mandatory Repatriation Program ng gobyerno ay maaaring sa Lunes na, ika-6 ng Abril 2015.

Ang lahat ng Pilipinong hindi pa nagsasabi sa Embahada o sa CMT-Sana’a kung ano ang kanilang desisyon ukol sa paglikas mula sa Yemen ay mariin na hinihikayat na magpa-rehistro ngayon din sa CMT-Sana’a Team na nasa Movenpick Hotel Sana’a o ‘di kaya’y tumawag o sumulat sa kanila sa mga sumusunod na numero at email:

+967 73 0194 165

+967 73 742 6292

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Ang CMT-Sana’a Team ay mananatili sa Movenpick Hotel Sana’a hanggang madaling araw ng Lunes, ika-6 ng Abril, na lamang.  (TAPOS)