MENU

 

COVID 19 GUIDELINES

 

Embassy-Advisories

 

Press Release
PR No. 13-2015

MGA OFW MAARING BAWIIN ANG IBINAYAD NA
International Passengers Service Charge (IPSC)

(Riyadh, 4 Pebrero 2015) – Nais ipagbigay-alam ng Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Riyadh sa lahat ng mga Pilipino sa Saudi Arabia na ipinatupad na simula  1 Pebrero 2015 ang pinag-isang pagsingil sa bayad ng airline ticket at International Passengers Service Charge (IPSC), o mas kilala bilang Airport Terminal Fee.

Ayon sa Memorandum Circular No. 8 s. 2014 ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay kabilang sa mga itinuturing na “locally recognized exempted passengers” na may karapatang kumuha ng “refund” sa ibinayad na IPSC o Airport Terminal Fee.

Ang proseso para sa pagkuha ng ibinayad ng mga OFW na IPSC ay maaring makuha alinsunod sa mga patakaran na nakasaad sa Memorandum Circular No. 8 s. 2014.

Para sa karagdagang impormasyon at tuntunin ukol sa IPSC, sumangguni sa website ng MIAA sa:
http://www.gov.ph/2014/10/01/miaa-memorandum-circular-no-08-s-2014/.

(WAKAS)