MENU

 

COVID 19 GUIDELINES

 

 Embassy-Advisories

PR-020-2015
17 February 2015

 

Advisory
PAALALA PARA SA MGA PILIPINO NASA SAUDI ARABIA
TUNGKOL SA MERS-COV

 

(Riyadh) – Ang Embahada ng Pilipinas ay muling nagpaalala sa lahat ng Pilipino na naka-base sa Saudi Arabia, lalung-lalo na sa mga nagtratrabaho sa healthcare sector, na muling mag-ingat laban sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV).

Ayon sa DOH ng Pilipinas, isang Pilipino medical worker na kararating lamang mula sa Saudi Arabia ang kumpirmadong positibo sa MERS-CoV at kasalukuyang ginagamot sa DOH Research Institute of Tropical Medicine.

Muling nananawagan ang Department of Health sa publiko na makipagtulungan sa pagbabantay upang hindi lumaganap sa ating bansa ang mga emerging infectious disease kagaya ng MERS-CoV. Nagpapakita ito ng flu-like symptoms at karaniwang nakukuha sa Middle East Region.

Handa ang ating gobyerno na gamutin ang mga may MERS-CoV sa Pilipinas pero malaking tulong kung maagang magpapakonsulta sa doctor ang sinumang may nararamdaman ng nasabing sintomas, lalo na kung galing sa Middle East Region. Mas mainam rin, kung kayo ay may sintomas, na ipagpaliban na muna ang pag-uwi sa Pilipinas upang maiwasan ang panganib na mahawaan ang inyong mga pamilya at kaibigan.

Maaari lamang na basahin ang mga paalala ng DOH na karugtong nitong Advisory ukol sa pag-iwas ng MERS-CoV. (END)