MENU

 

COVID 19 GUIDELINES

 

Embassy-Advisories 

 

Press Release
No. PR-075-2015

 

 

ABISO UKOL SA
OVERSEAS EMPLOYMENT CERTIFICATE (OEC)
AT OWWA MEMBERSHIP RENEWAL

 

(Riyadh, ika-27 ng Mayo 2015) – Bilang pansamantalang lunas sa pagsasara ng opisina ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, ipinapag-alam ng Embahada ng Pilipinas na ang serbisyo ng POLO para sa pag-isyu ng Overseas Employment Certificate (OEC) at pag-renew ng OWWA Membership ay maaaring makuha sa Embahada sa Diplomatic Quarter, Riyadh.

Simula sa darating na Linggo, ika-31 ng Mayo 2015, ang mga representatibo ng POLO ay magpro-proseso ng OEC at OWWA membership renewal, araw-araw, Linggo hanggang Huwebes, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Pinapaalala ng Embahada na ito ay isang pansamantalang paraan lamang upang maihatid ang serbisyo ng POLO sa mga Pilipinong manggagawa. Puspusan pa rin ang POLO sa Riyadh sa paghahanap ng bagong lokasyon. Maglalabas ng abiso ang Embahada ukol sa bagong lokasyon ng POLO sa lalong madaling panahon. (WAKAS)