MENU

 

COVID 19 GUIDELINES

 

PR-088-2015

Embassy-Advisories

ABISO UKOL SA
OVERSEAS EMPLOYMENT CERTIFICATE (OEC)
AT OWWA MEMBERSHIP RENEWAL

(Riyadh, ika-24 ng Hunyo 2015) – Nais ipa-alam ng Embahada ng Pilipinas na ang serbisyo ng POLO para sa pag-isyu ng Overseas Employment Certificate (OEC) at pag-renew ng OWWA Membership ay maaari na muling makuha sa orihinal na opisina ng POLO-Riyadh sa Umm Al Hammam, Riyadh, sa may bandang likod ng Hyper Panda Supermarket.

Ang POLO-Riyadh ay mananatili sa kanilang orihinal na opisina hanggang matapos ang pag-ayos at paglipat sa kanilang bagong lokasyon sa ibang parte ng Riyadh.

Maglalabas ng abiso ang Embahada ukol sa bagong lokasyon ng POLO sa lalong madaling panahon. (WAKAS)