Press Release No. 138-2014
18 November 2014
Paalala Tungkol sa Passport Online Appointment ng Embahada
(Riyadh, ika-18 ng Nobyembre 2014) -- Muling pina-aalala ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa mga passport applicant na iwasan ang pagkuha ng higit sa isang online appointment para sa isang applicant lamang upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang passport applicant na makakuha ng schedule at mapag-silbihan ng Embahada.
Kinakansela ng Embahada ang mga appointment ng isang aplikante kung higit sa isa ang kanilang narehistrong appointment schedule.
Kaya ng Embahada na mag-proseso ng 300 passport applications mula Linggo hanggang Huwebes, subalit mahigit 30% o katumbas ng 90 na passport applicants ang nasasayang na appointment slots araw-araw dahil sa mga dobleng appointment o sa hindi pagdating ng applicant.
Tandaan ang mga sumusunod na gabay sa pagkuha ng online appointment:
-
- Siguraduhing TAMA ANG GINAGAMIT NA E-MAIL ADDRESS para sa automatikong confirmation na ipinapadala ng online appointment system.
- KANSELAHIN ANG MGA SCHEDULE O APPOINTMENT NA HINDI KAILANGAN, sa pamamagitan ng web link na makikita sa Confirmation Message na natanggap.
- Kung isang pamilya o kumpanya ang kailangang gawan ng appointment, SIGURADUHING LAHAT NG MIYEMBRO NG PAMILYA O GRUPO AY MAY KANIYA-KANIYANG CONFIRMATION.
- GUMAMIT NG SARILING E-MAIL ACCOUNT, at hindi ng ibang tao, hangga’t maaari, upang siguradong makatanggap ng Confirmation Message.
Ang “Passport Online Appointment” para sa mga passport applicants sa Riyadh at “Embassy on Wheels” (EOW) ay makikita sa opisyal na website ng Embahada sa http://riyadhpe.dfa.gov.ph
(END)