MENU

 

 

 

Press Release
PR-158-2016

PANAWAGAN KAY MS. BAI KASIBUG

Missing
Bai Kasibug
Missing
"Ismael"

(Riyadh, 25 October 2016) – Nananawagan ang Philippine Embassy kay Bb. Bai Kasibug na agad na makipag-ugnayan sa Embahada para sa kapakanan ng kanyang anak na si “Ismael”. Si “Ismael” po ay kanyang naiwan sa pangangalaga ni Gng. Mary Ann Baylon Tagate mula pa noong Hulyo 5, 2016.

Si Gng Tagate po ay lumapit sa Embahada upang humingi ng tulong na makita at makausap si Bb. Bai Kasibug. Siya po ay nahihirapang alagaan si “Ismael” dahil mayroon din po siyang sariling mga anak. Bukod pa po ang kawalan ni “Ismael” ng kaukulang dokumento na maaaring maging dahilan upang maakusahan si Gng. Tagate ng paglabag sa batas ng Kaharian ng Saudi.

Si Bb. Bai Kasibug o kung sino man po ang nakakakilala sa kanya o nakakaalam ng kanyang kinaroroonan ay inaanyayahang tumawag kaagad kay Mr. Donald Rodel E. Fermin sa mga numerong 011 482 4354 at 011 480 1918, o di kaya’y mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

Maaari din pong tuwirang makipag-ugnayan kay Gng. Mary Ann Tagate na siyang kumukupkop kay “Ismael” sa mga numerong 053-2472494 at 0578673979.

Ang mga larawan po sa taas ay nagmula kay Gng Tagate.(WAKAS)